Tuesday, October 30, 2012

Sari-Sari Store

Isa sa madaling negosyo sa atin ay ang pagtatayo ng Sari-Sari Store. At halos na yata ng Barangay sa buong kapuluan ng Pilipinas ay di nawawalan kahit isang tindahan na tulad ng Sari-Sari Store. Ang mga pangunahing mabibili natin dito ay mga basic needs natin sa araw-araw tulad ng bigas, noodles, incan food, sabon at shampoo, at kasama na rin dyan ang softdrinks at Electronic Load sa ating mga mobile Phone. At kong sa halaga ng paninda kumpara sa Supermarket o sa mga malalaking grocery na nasa Town Proper ay medyo mataas ng konting halaga ang nasa Sari-Sari Store dahil itoy retail ang selling at hindi Whole sale tulad ng sa Supermarket at malalaking Grocery Store. Pero kayang-kaya parin naman ang presyo para sa Masa at malaking tulong ito para sa mga customer dahil kung kunti lang naman ang iyong bibilhin ay di na kailangang pumunta sa Town Proper dahil sa Sari-Sari Store ay mabibili na rin natin lalo na kung di naman karamihan ang ating bibilhin. Sa ibang bansa na aking napuntahan walang mga Sari-Sari Store na tulad ng sa Pilipinas kung mag grocery ka kelangan mo pang mag travel papunta sa Town Proper para don ka mamili ng mga pangangailangan mo sa pang-araw-araw at kung wala kang sariling sasakyan kelangan mo pang mag taxi or sumakay ng coaster or Mini Bus lalo na kung may kalayuan ito sa resedential place na iyong tinutuluyan. Sa ganitong pagkakataon di ko maiwasang makumpara sa Pilipinas ang estado ng aking lugar dito sa ibang bansa, dahil kumpara sa Pilipinas ay madali ang akses sa mga bagay na gusto mong gawin o gusto mong bilhin at halos lahat ng kailangan mo ay madali mong makuha o mabili nasa probinsya ka man o sa syudad lalo na kung ito'y gamit natin sa pangaraw-araw. Sa ngayon madalas kong nasasabi na iba talaga sa Pilipinas..The BEST dahil simpleng Sari-Sari Store lang ay malaki pala ang naitutulong sa atin, at ito'y naapreciate ko simula ng akoy magabroad at kahit maliit na negosyo lang ang Sari-Sari Store at di man kalakihan ang kinikita nito ay masasabi kong mas higit silang kapaki-pakinabang din sa kumunidad dahil instant akses agad ito sa mga pang araw-araw nating pangangailangan at bukod pa dyan ay pede rin utangan paminsan minsan...

Posted: Lakbay Lansangan

Monday, October 22, 2012

Dolyar sa Disyerto

Naranasan nyo na ba ang alikabok ng Sand Storm sa disyerto ng Middle East o sa bahagi ng Africa? Ang init ng araw habang naglalakad ka papunta sa jobsite? Ang kakaibang klema ng kapaligiran na di natin kinagisnan? Bilang isang OFW walang summer o winter o sandstorm para sumabak sa trabaho sa araw-araw dahil sa bawat sandali sa abroad ay mahalaga at di mo kailangang tumambay dahil bawat oras dito at pawis na ilalabas ng katawan mo ay Dolyar ang kapalit. Ganito sa abroad bago sumikat ang araw sa umaga ay dapat nakaligo kana dahil ilang minuto lang pagkatapos ng almusal ay sasabak na sa trabaho at kadalasan mahaba ang oras sa trabaho kaysa sa pahinga. Pagpasok mo ng alas singko o alas sais ng umaga ay madalas Alas Otso pa ng gabi ang labas sa trabaho at ang iba minsan ay umaabot pa ng alas Dyes ng gabi dahil iniisip ng maraming OFW sayang din ang overtime dahil karagdagan remittances din ito para sa Pilipinas at kahit pagod na pagod na sige parin dahil sayang ang Dolyar, sabi nga nating mga Pinoy masamang tumanggi sa grasya at basta kaya pa ng katawan sige lang kayod kalabaw dahil sa Dolyar. Ikain mo lang ng maraming kanin at nilagang baka na kadalasang inihahain ng mga Catering Services sa mga konstraksyon worker ay pawi na ang maghapong pagod sa trabaho at pagkatapos kumain ay isang stick ng yosi bago tuluyang matulog ay sapat na para maibasan ang maghapong pagbilad sa ilalim ng araw. Masarap na mahirap ang pagiging OFW. Masarap dahil paunti-unti posibleng matupad mo ang pinapangarap mo para sa iyong Pamilya una na dyan ay makapag-aral sa magandang eskwelahan at mabigyan ng sapat na kaalaman ang iyong mga anak. At pagkakameron ng maayos, malinis at maipagmamalaking tahanan. At ang maganda pa ay kung masinop ang taong hahawak ng dolyar mong ipinapadala ay maaari ka pang makapag negosyo pagkatapos mong maging OFW dahil kahit ako ayaw kong tumanda sa abroad kaya ngayon palang hangat bata pa at malakas pa ang tuhod ay todo ipon din para makapag pundar ng negosyo. At ang mahirap naman sa pagiging isang OFW ay malayo sa Bayang pinagmulan, gustuhin mo mang mayakap ang pinakamamahal mong asawa at mga anak ay wala sila sa tuwing uuwi ka ng bahay at maswerte nalang kung may unlimited wi-fi sa iyong accomodation at pede mong matawagan sa skype at makita sa webcam ang iyong pamilya pero kong wala dagdag homesick pa ito at gastos din dahil obligado ka pa na bumili ng load sa mobile phone para madalas kang makatawag sa Pilipinas. Nakakaboring din sa abroad lalo na kong kain, trabaho, bahay lang umiikot ang buhay mo sa buong panahon ng pananatili mo dito. Sa karanasan ko sa abroad naka landbase ako sa AFRICA and for safety reason maraming pagkakataon na di kami pinalalabas ng aming Kompanya para lumuwas ng Village para makapamili ng food o kahit ano na magustuhan namin  sa kadahilanan na maraming cases na di magandang ginagawa ng mga local people para sa tulad kong foreigner at marami ng kaso ang ganito na aking nasaksihan, at para sa kaayusan ng lahat standby lang kaming mga OFW sa accomodation dahil ito ang advice ng aming Administration. At sa buong kontrata ko bihira akong makapunta ng bayan at mabibilang lang sa daliri ang araw at petsa ng akoy makapunta ng Village o Town proper. Tayong mga Pinoy masayahin, mahirap man tayo o mayaman ay di nawawala sa pang araw-araw nating buhay ang entertainment. Mahilig tayong maglibang pagkatapos ng maghapong trabaho para mawala ang stress, at kung may pera tayo di natin maiwasang mag shopping ng bagay na magustuhan natin lalo na kong itoy gadget o damit. Pero sa lugar na napuntahan ko dito sa AFRICA wala akong napapaglibangan maliban nalang sa loptop ko at swerte rin kung makasagap ako ng Free Wi-fi connection pero kong wala ay magtiis sa paulit-ulit na pilikula ni Bea Alonso at Jhon Lyod Cruz na nasa hard drive ko na madalas kong panuorin sa oras na wlang ginagawa at sa paulit-ulit na panunuod ay kabisado ko na yata ang mga dialog sa pilikulang ito.! Ganito ang buhay karanasan ng mga OFW dito sa Africa na isa ako sa mga nakakaranas. Pero sa kabila ng hirap, lungkot, pagod at stress sa trabaho, at kahit nagkakasakit din minsan, kasabay pa dyan ang pabago-bagong panahon lalo na pagsapit ng taglamig at ang alikabok ng sandstorm mula sa disyerto ng Sahara na kulay kalawang ang paligid na posibleng sakit sa baga kapag nalanghap mo ito, at kasabay din nyan ang araw-araw na pagkain ng karneng baka na madalas sa isang Lingo ay hindi maganda sa kalusugan dahil sa bad kolesterol nito sa ating katawan. Ilan lang ito sa mga tipikal na nararanasan ng isang OFW na ang trabaho ay sa Konstraksyon at kahit anong hirap ay pilit titiisin dahil sa DOLYAR. At kahit maalikabok, mainit, malamig, walang halaman o puno na nasisilungan at kahit langit at lupa lang ang makikita mo sa maghapon at paglubog ng araw sa Disyerto ay maliwanag naman ito na pagdating ng ika labing lima at katapusan ng Buwan ay DOLYAR para sa ating Pamilya sa Pilipinas.
 
Posted: Lakbay Lansangan

Sunday, October 14, 2012

I'M MADE BY PHILIPPINES

Sa buong mundo marami na ang kontribusyon ng mga Pilipino lalo na pagdating sa trabahong mabibigat tulad ng pagiging isang Konstraksyon Worker at kong mapapansin natin halos karamihan ng mga malalaking Inprastraktura tulad ng mga Hotel, mga Malls, at mga Planta lalo na sa Gitnang Silangan, sa Russia, hangang sa Africa at sa iba pang bahagi ng mundo ay kabilang ang mga Pilipino sa may malaking porsyento sa pag-build up nito. Ang mga Planta ng langis, Petrol at maging ang Liquified Natural Gas (LNG) ay halos mga Pinoy ang gumawa nito lalo na sa Gitnang Silangan at kabilang dyan ang magagaling nating mga Pinoy Engineers, mga Arkitek, mga Skilled worker, at maging mga Clerical Staff na di mapapantayan ng sino man ang kakayahan, talino, at husay sa trabaho. Angat ang Pinoy pagdating sa talino at diskarte sa trabaho kumpara sa ibang lahi kaya di ako nagtataka kahit napakalayo natin sa Middle East sa Africa o sa Russia ay patuloy parin ang oportunidad at tiwala sa mga Pinoy ng mga Foreign Employeer na maging bahagi tayo ng kanilang Proyekto lalo na pagdating sa Konstraksyon. At gayun din ang iba pang mga Overseas Filipino Worker natin na hindi man sa konstraksyon ang trabaho ay mas higit na di mapapantayan ang kanilang serbisyo tulad na lang ng mga Doctor, Nurse, Caregiver, mga Seaman na naglalayag sa ibat ibang panig ng karagatan ng mundo,  at gayundin sa ating mga kababayang mga Domestic Helper na may malaki rin dolyar na ipinapadala sa ating Bansa. Lahat na yata ng klase ng trabaho sa ibang bansa ay pinasok na ng mga Pilipino at patunay lang ito na kahit anong trabaho madali man o mahirap ay kayang kaya ng Pinoy basta ito ay maayos at marangal ay walang dahilan para hindi ipagpatuloy dahil narin sa kikitaing Dolyar. At ang Dolyar na kinikita ay malaking tulong sa ating Pamilyang nasa Pilipinas at dagdag rin ito sa malilikom na dolyares ng ating Bansa, at hindi lang ating Pamilya ang natulungan maging ang ating Pamahalaan ay makikinabang din sa ating remittances at dahil dito masasabi ko na sa kabila ng hirap at lungkot ng mga Overseas Worker sa ibat-ibat panig ng mundo ay may malaki silang kontribusyon di lang sa ibang lahi o Bansa na kanilang pinaglinkuran ay gayun din maging sa Bansang pinagmulan. Kaya bilang isang OFW at bilang isang Pilipino, ikinararangal ko ang tiwalang ibinibigay sa atin ng mga Foreign Employeer dahil sa tiwala nila patunay lang ito na the best ang Pinoy pagdating sa trabaho at kasabay din nyan ay ang ating karisma dahil narin sa ating pagiging hospitality...at bilang ako...! Im proud Pinoy dahil I'M MADE BY PHILIPPINES.!

Posted: Lakbay Lansangan

Thursday, October 11, 2012

UPLOAD+SHARE=12 YEARS IN JAIL

May facebook account kaba or ano mang social networking ang meron ka? Ingat lang sa pag post ng mga mensahe, larawan at video's, at ingat din sa pag share dahil pag nagkamali ka baka city jail ang bagsak mo. Ito ang bagsik ng bagong batas natin na "CYBERCRIME LAW" at napapaloob dito ang pagbabawal sa mga mapanirang inpormasyon tulad ng mensahe, larawan o video na inilagay sa internet na laban o pambabatikos sa isang tao, sa isang lugar, maging sa ating gobyerno o sa ating bansa. Ang pagupload ng mga mapanirang photo's and video's, at mga nakakainsultong larawan na madalas pagtawanan at i-share at i-like sa mga social networking site ay saklaw ng batas na ito. At isa sa mga madalas gawan ng kalokohan ay ang mga popular personalities ng ating bansa nangunguna na dyan ang ating mga local celebrity, mga tao sa gobyerno, o mga pulitiko o maging mga indibidwal na pangkaraniwang tao, kilala man o hindi sa ating lipunan. Ang website hacking ay solidong kaso na matatawag ding cyber crime at kung sino mang gagawa nito sa kasalukuyan at sa hinaharap ay mananagot sa batas.Sa ngayon naglabas TRO ang Korte Suprema para sa Implementasyon ng bagong batas na ito at posibleng sa sunod na taon sa unang buwan ay tuluyan na itong maipatupad. Pero sa kabila ng TRO na inilabas ng Korte Suprema ay patuloy parin ang mga pagtutol sa mga social networking site at maging sa mga lansangan na hangad ng nakararami ay ipawalang bisa ang batas na ito. Isa daw sa mga dahilan ay ang posibleng pag kontrol sa ating kalayaan sa pamamahayag ng ating opinyon at idea sa ating lipunang ginagalawan. Tayo ay nasa malayang bansa at bilang malaya ay may kalayaan din dapat tayong maghayag ng saloobin hindi lang para sa isang tao kundi gayun din sa ating pamahalaan, sa lipunan, at sa mga pangyayaring usaping pampulitika sa ating gobyerno o sa ating bansa.

Posted: Lakbaylansangan

Wednesday, October 10, 2012

SEKYU

Napanuod ko sa 24 oras ang balitang ito kahapon at involve dito ang dalawang Sekyu sa magkaibang kaso at magkaibang lugar. Nakakabahala ang ganitong mga insidente dahil kung sino pa ang ating pinagkakatiwalaan ay siya pa pala ang gagawa sa atin ng di maganda. Tulad ng kaso ng isang sekyu walang takot at konsensya nyang ginawa ang pagnanakaw sa isang kotse na naka-park malapit sa gate ng isang subd. na kanyang pinaglilingkuran kaya lang di yata nya napansin na may CCTV Camera sa paligid at kung gaano nya kabilis ginawa ang pagnanakaw siya ring bilis ng pagkakaaresto sa kanya at sa ngayon kasalukuyan na siyang
nakakulong. At ang isang kaso naman ay ang pamamaril ng isa ring sekyu sa isang residente ng subd. na kanya ring pinaglilinkuran at dahil dito dead on the spot ang kawawang residente...Ikaw ba naman ang paputukan ng shot gun sa bibig... Ewan ko lang kong mabuhay kapa.!
Pero ano man ang dahilan kung bakit nya ito binaril, kung binastos man siya, o pinagsabihan ng di magandang salita, o may ginawang paglabag ang kawawang residente ay di parin dahilan ito para banatan nya ng shot gun sa bibig. Nakakatakot ang ganitong mga pangyayari na di natin inaasahan at kung sino pa ang lubos nating pinagkakatiwalaan ay siya naman palang aabuso at magsasamantala sa atin at pagminalas-malas ka pa ay baka mauwi sa katapusan ng iyong buhay. Pero hindi ko naman sinasabi na ang lahat ng sekyu ay ganito ang paguugali, sadyang may pailan-ilan lang na natutukso at nakakagawa ng krimen. Pero sana wag nating sabihing tao din sila na nagkakasala ang point dito nasa serbisyo sila at dapat nasa matinong pagiisip at di dapat nila naiisip ito bagkus ay sila dapat ang magbigay sa atin ng serbisyo para di tayo mapahamak at hindi sila ang dahilan para tayo'y mapahamak. Sa ganitong mga pangyayari dapat may managot sa ating batas at mabigyan ng tamang disiplina ng dina pamarisan ng iba o para sa mga nagbabalak palang ay makapag isip isip na sila na kahit masikip na ang city jail ay may puwang parin sila dito.
 

Posted: Lakbay Lansangan