Saturday, November 17, 2012

Love Birds

Nakakatuwa daw mag-alaga ng Love Birds.! Nakakulong man sila sa maliit na Hawla at pakampay kampay gamit ang kanilang pakpak ay nakakaaliw naman daw itong pagmasdan lalo na kung kasabay ng galaw ay maririnig mo rin ang kanilang paghuni. Naalala ko tuloy noong nasa Grade School palang ako sa aming Probinsya libangan ko rin pag walang pasok ay pumunta ng gubat para manghuli ng mga Wild Birds. Dahil hilig ko mag-alaga ng mga hayop at halos lahat yata ng klase ng Ibon sa aming Probinsya ay hinuli ko at sinubukan kong mag-alaga at mag-paamo. Aliw na aliw ako sa mga Ibon siguro marahil silay mga nilikha na may kakaibang kulay ng balahibo, sari-saring laki, at may pakpak upang makalipad at napakadali para sa kanila ang lumipat sa ibang lugar kung saan man nila gustuhin at maging tao man ay nangangarap din na sana tayo rin ay nilalang ng Diyos na may pakpak, at dahil dito kaya siguro nakahiligan ko ang ganitong klaseng uri ng hayop. Kaya lang nakakalungkot din para sa kanila dahil tayo man ang ilagay sa Hawla at i-display sa Commercial Area para ibenta at alagaan ng kung sino-sino para ipalamuti sa bahay at gawing aliwan ng iba ay masakit din sa kanilang kalooban kahit di natin nakikita at naiintindihan ang kanilang nararamdaman. Ang paghuli sa isang Ibon at ikulong sa Hawla ay parang tao rin na nakabilango kaya lang ang pagkakaiba nila ang taong nakakulong ay may kasalanan at may takdang panahon kung kelan siya lalaya. At ang ibon naman ay nakakulong na hinuli ng tao ay walang kasalanan at walang itinakdang panahon kong kelan ito makakalaya swerte nalang kung mkatakas ito sa mga rehas ng Hawla na kanyang pinagkakakulungan. Post ko lang ito dahil sumusuporta po ako sa mga organization tulad ng "The Philippine Animal Welfare Society" or (PAWS) na pangunahing layunin ay mabigyan ng karapatan ang mga animals na makapamuhay na malaya tulad din nating mga tao at mababang uri man sila ng nilalang hangad din nilang mabuhay ng maayos, malaya, at ligtas sa kanilang paligid na ginagalawan.

Lakbay Lansangan

Friday, November 9, 2012

Minute Burger

Di natin maikakaila na tayong mga Pinoy ay mahilig sa Burger Sandwich at makikita naman natin maging sa pangunahing Food Establishment sa atin ay mga Sandwich ang pangunahing produkto dito at talaga namang patok sa mga Pinoy. Masarap ang burger dahil gawa ito sa Beef kadalasan, at minsan ay gawa din sa Chicken meat pero higit na mas masarap kong ito gawa sa Beef at napaka easy lang ang preperasyon nito. Sa ngayon nagsulputan na dito sa atin ang ibat ibang popular American Food Chain at di nawawala sa kanilang Menu Board ang Sandwich kabilang na dyan ang Burger, hotdog, Chicken and Tuna sandwich. At lahat ng itoy kuhang-kuha ang timpla para sa panlasang Pinoy at maging ako man ay takam na takam din at aminado akong kinahihiligan ko rin ang mga ito sa tuwing akoy mapapapasyal sa mga Mall. Minsan napapasyal ako sa City of San Fernando, Pampanga at napasin ko ang isang outlet ng Minute Burger sa may sidewalk at napansin ko na  kahit ganito ka simple ay patok sa mga dumadaan dahil sa amoy ng nilulutong Beef Patties ay nakakaakit na, at ako man ay napabili din at talaga namang masasabi kong masarap din at pang world class ang lasa at maipagmamalaki natin sa iba dahil ang Minute Burger ay made by Pinoy and own by Leslie Corporation at matagal na rin pala itong nag-ooperate at dekada na rin ang lumilipas ay nananatili silang  nasa Burger Business dahil narin sa kanilang produkto na di malimut-limutan ng kanilang mga customer dahil sa lasa na talaga namang masasabi ko na the best din ito sa panlasang Pinoy.

Posted: Lakbay Lansangan

Tuesday, October 30, 2012

Sari-Sari Store

Isa sa madaling negosyo sa atin ay ang pagtatayo ng Sari-Sari Store. At halos na yata ng Barangay sa buong kapuluan ng Pilipinas ay di nawawalan kahit isang tindahan na tulad ng Sari-Sari Store. Ang mga pangunahing mabibili natin dito ay mga basic needs natin sa araw-araw tulad ng bigas, noodles, incan food, sabon at shampoo, at kasama na rin dyan ang softdrinks at Electronic Load sa ating mga mobile Phone. At kong sa halaga ng paninda kumpara sa Supermarket o sa mga malalaking grocery na nasa Town Proper ay medyo mataas ng konting halaga ang nasa Sari-Sari Store dahil itoy retail ang selling at hindi Whole sale tulad ng sa Supermarket at malalaking Grocery Store. Pero kayang-kaya parin naman ang presyo para sa Masa at malaking tulong ito para sa mga customer dahil kung kunti lang naman ang iyong bibilhin ay di na kailangang pumunta sa Town Proper dahil sa Sari-Sari Store ay mabibili na rin natin lalo na kung di naman karamihan ang ating bibilhin. Sa ibang bansa na aking napuntahan walang mga Sari-Sari Store na tulad ng sa Pilipinas kung mag grocery ka kelangan mo pang mag travel papunta sa Town Proper para don ka mamili ng mga pangangailangan mo sa pang-araw-araw at kung wala kang sariling sasakyan kelangan mo pang mag taxi or sumakay ng coaster or Mini Bus lalo na kung may kalayuan ito sa resedential place na iyong tinutuluyan. Sa ganitong pagkakataon di ko maiwasang makumpara sa Pilipinas ang estado ng aking lugar dito sa ibang bansa, dahil kumpara sa Pilipinas ay madali ang akses sa mga bagay na gusto mong gawin o gusto mong bilhin at halos lahat ng kailangan mo ay madali mong makuha o mabili nasa probinsya ka man o sa syudad lalo na kung ito'y gamit natin sa pangaraw-araw. Sa ngayon madalas kong nasasabi na iba talaga sa Pilipinas..The BEST dahil simpleng Sari-Sari Store lang ay malaki pala ang naitutulong sa atin, at ito'y naapreciate ko simula ng akoy magabroad at kahit maliit na negosyo lang ang Sari-Sari Store at di man kalakihan ang kinikita nito ay masasabi kong mas higit silang kapaki-pakinabang din sa kumunidad dahil instant akses agad ito sa mga pang araw-araw nating pangangailangan at bukod pa dyan ay pede rin utangan paminsan minsan...

Posted: Lakbay Lansangan

Monday, October 22, 2012

Dolyar sa Disyerto

Naranasan nyo na ba ang alikabok ng Sand Storm sa disyerto ng Middle East o sa bahagi ng Africa? Ang init ng araw habang naglalakad ka papunta sa jobsite? Ang kakaibang klema ng kapaligiran na di natin kinagisnan? Bilang isang OFW walang summer o winter o sandstorm para sumabak sa trabaho sa araw-araw dahil sa bawat sandali sa abroad ay mahalaga at di mo kailangang tumambay dahil bawat oras dito at pawis na ilalabas ng katawan mo ay Dolyar ang kapalit. Ganito sa abroad bago sumikat ang araw sa umaga ay dapat nakaligo kana dahil ilang minuto lang pagkatapos ng almusal ay sasabak na sa trabaho at kadalasan mahaba ang oras sa trabaho kaysa sa pahinga. Pagpasok mo ng alas singko o alas sais ng umaga ay madalas Alas Otso pa ng gabi ang labas sa trabaho at ang iba minsan ay umaabot pa ng alas Dyes ng gabi dahil iniisip ng maraming OFW sayang din ang overtime dahil karagdagan remittances din ito para sa Pilipinas at kahit pagod na pagod na sige parin dahil sayang ang Dolyar, sabi nga nating mga Pinoy masamang tumanggi sa grasya at basta kaya pa ng katawan sige lang kayod kalabaw dahil sa Dolyar. Ikain mo lang ng maraming kanin at nilagang baka na kadalasang inihahain ng mga Catering Services sa mga konstraksyon worker ay pawi na ang maghapong pagod sa trabaho at pagkatapos kumain ay isang stick ng yosi bago tuluyang matulog ay sapat na para maibasan ang maghapong pagbilad sa ilalim ng araw. Masarap na mahirap ang pagiging OFW. Masarap dahil paunti-unti posibleng matupad mo ang pinapangarap mo para sa iyong Pamilya una na dyan ay makapag-aral sa magandang eskwelahan at mabigyan ng sapat na kaalaman ang iyong mga anak. At pagkakameron ng maayos, malinis at maipagmamalaking tahanan. At ang maganda pa ay kung masinop ang taong hahawak ng dolyar mong ipinapadala ay maaari ka pang makapag negosyo pagkatapos mong maging OFW dahil kahit ako ayaw kong tumanda sa abroad kaya ngayon palang hangat bata pa at malakas pa ang tuhod ay todo ipon din para makapag pundar ng negosyo. At ang mahirap naman sa pagiging isang OFW ay malayo sa Bayang pinagmulan, gustuhin mo mang mayakap ang pinakamamahal mong asawa at mga anak ay wala sila sa tuwing uuwi ka ng bahay at maswerte nalang kung may unlimited wi-fi sa iyong accomodation at pede mong matawagan sa skype at makita sa webcam ang iyong pamilya pero kong wala dagdag homesick pa ito at gastos din dahil obligado ka pa na bumili ng load sa mobile phone para madalas kang makatawag sa Pilipinas. Nakakaboring din sa abroad lalo na kong kain, trabaho, bahay lang umiikot ang buhay mo sa buong panahon ng pananatili mo dito. Sa karanasan ko sa abroad naka landbase ako sa AFRICA and for safety reason maraming pagkakataon na di kami pinalalabas ng aming Kompanya para lumuwas ng Village para makapamili ng food o kahit ano na magustuhan namin  sa kadahilanan na maraming cases na di magandang ginagawa ng mga local people para sa tulad kong foreigner at marami ng kaso ang ganito na aking nasaksihan, at para sa kaayusan ng lahat standby lang kaming mga OFW sa accomodation dahil ito ang advice ng aming Administration. At sa buong kontrata ko bihira akong makapunta ng bayan at mabibilang lang sa daliri ang araw at petsa ng akoy makapunta ng Village o Town proper. Tayong mga Pinoy masayahin, mahirap man tayo o mayaman ay di nawawala sa pang araw-araw nating buhay ang entertainment. Mahilig tayong maglibang pagkatapos ng maghapong trabaho para mawala ang stress, at kung may pera tayo di natin maiwasang mag shopping ng bagay na magustuhan natin lalo na kong itoy gadget o damit. Pero sa lugar na napuntahan ko dito sa AFRICA wala akong napapaglibangan maliban nalang sa loptop ko at swerte rin kung makasagap ako ng Free Wi-fi connection pero kong wala ay magtiis sa paulit-ulit na pilikula ni Bea Alonso at Jhon Lyod Cruz na nasa hard drive ko na madalas kong panuorin sa oras na wlang ginagawa at sa paulit-ulit na panunuod ay kabisado ko na yata ang mga dialog sa pilikulang ito.! Ganito ang buhay karanasan ng mga OFW dito sa Africa na isa ako sa mga nakakaranas. Pero sa kabila ng hirap, lungkot, pagod at stress sa trabaho, at kahit nagkakasakit din minsan, kasabay pa dyan ang pabago-bagong panahon lalo na pagsapit ng taglamig at ang alikabok ng sandstorm mula sa disyerto ng Sahara na kulay kalawang ang paligid na posibleng sakit sa baga kapag nalanghap mo ito, at kasabay din nyan ang araw-araw na pagkain ng karneng baka na madalas sa isang Lingo ay hindi maganda sa kalusugan dahil sa bad kolesterol nito sa ating katawan. Ilan lang ito sa mga tipikal na nararanasan ng isang OFW na ang trabaho ay sa Konstraksyon at kahit anong hirap ay pilit titiisin dahil sa DOLYAR. At kahit maalikabok, mainit, malamig, walang halaman o puno na nasisilungan at kahit langit at lupa lang ang makikita mo sa maghapon at paglubog ng araw sa Disyerto ay maliwanag naman ito na pagdating ng ika labing lima at katapusan ng Buwan ay DOLYAR para sa ating Pamilya sa Pilipinas.
 
Posted: Lakbay Lansangan

Sunday, October 14, 2012

I'M MADE BY PHILIPPINES

Sa buong mundo marami na ang kontribusyon ng mga Pilipino lalo na pagdating sa trabahong mabibigat tulad ng pagiging isang Konstraksyon Worker at kong mapapansin natin halos karamihan ng mga malalaking Inprastraktura tulad ng mga Hotel, mga Malls, at mga Planta lalo na sa Gitnang Silangan, sa Russia, hangang sa Africa at sa iba pang bahagi ng mundo ay kabilang ang mga Pilipino sa may malaking porsyento sa pag-build up nito. Ang mga Planta ng langis, Petrol at maging ang Liquified Natural Gas (LNG) ay halos mga Pinoy ang gumawa nito lalo na sa Gitnang Silangan at kabilang dyan ang magagaling nating mga Pinoy Engineers, mga Arkitek, mga Skilled worker, at maging mga Clerical Staff na di mapapantayan ng sino man ang kakayahan, talino, at husay sa trabaho. Angat ang Pinoy pagdating sa talino at diskarte sa trabaho kumpara sa ibang lahi kaya di ako nagtataka kahit napakalayo natin sa Middle East sa Africa o sa Russia ay patuloy parin ang oportunidad at tiwala sa mga Pinoy ng mga Foreign Employeer na maging bahagi tayo ng kanilang Proyekto lalo na pagdating sa Konstraksyon. At gayun din ang iba pang mga Overseas Filipino Worker natin na hindi man sa konstraksyon ang trabaho ay mas higit na di mapapantayan ang kanilang serbisyo tulad na lang ng mga Doctor, Nurse, Caregiver, mga Seaman na naglalayag sa ibat ibang panig ng karagatan ng mundo,  at gayundin sa ating mga kababayang mga Domestic Helper na may malaki rin dolyar na ipinapadala sa ating Bansa. Lahat na yata ng klase ng trabaho sa ibang bansa ay pinasok na ng mga Pilipino at patunay lang ito na kahit anong trabaho madali man o mahirap ay kayang kaya ng Pinoy basta ito ay maayos at marangal ay walang dahilan para hindi ipagpatuloy dahil narin sa kikitaing Dolyar. At ang Dolyar na kinikita ay malaking tulong sa ating Pamilyang nasa Pilipinas at dagdag rin ito sa malilikom na dolyares ng ating Bansa, at hindi lang ating Pamilya ang natulungan maging ang ating Pamahalaan ay makikinabang din sa ating remittances at dahil dito masasabi ko na sa kabila ng hirap at lungkot ng mga Overseas Worker sa ibat-ibat panig ng mundo ay may malaki silang kontribusyon di lang sa ibang lahi o Bansa na kanilang pinaglinkuran ay gayun din maging sa Bansang pinagmulan. Kaya bilang isang OFW at bilang isang Pilipino, ikinararangal ko ang tiwalang ibinibigay sa atin ng mga Foreign Employeer dahil sa tiwala nila patunay lang ito na the best ang Pinoy pagdating sa trabaho at kasabay din nyan ay ang ating karisma dahil narin sa ating pagiging hospitality...at bilang ako...! Im proud Pinoy dahil I'M MADE BY PHILIPPINES.!

Posted: Lakbay Lansangan