Thursday, February 7, 2013

My Postal ID

Bago ako umalis ng Pilipinas napansin ko SSS ID lang pala ang meron ako sa wallet ko maliban sa passport na pagkakakilanlan sa akin, kaya nagpasya ako na kumuha ng Postal ID's bilang karagdagang identity o valid ID's na pede kong gamitin sa loob man o sa labas ng ating bansa. Nagpunta ako ng barangay kong saan ako nakatira at kumuha ako ng Cedula at Brgy. Clearace at pumunta ako sa munisipyo upang kumuha naman ng Police Clearance dahil isa ito sa mga major documents na requirements sa pagkuha ng Postal ID's. After kong magbayad ng 100 pesos sa Cashier ay binigyan naman ako ng resibo at mabilis ang transaction kaya lang akala ko tapos na ang payment dahil after ko mag finger print ay siningil pa ulit ako ng 20 pesos di ko alam kong para saan yun at isa pa walang resibo. At after kong magbayad bumalik ako sa encoding area at binigay na sa akin Police Clearance ko mabilis naman ang transaction at nakuha ko agad ang Police Clearance. Then after that deretso na ako sa Postal Office at nag aplay na ako Postal ID. At ang mga requirements dito ay 2x2 latest picture, Brgy. Clearance, Police Clearance, Cedula at mag pil-ap ng form sa loob ng Postal Office. Mabilis lang ang transaction sa loob ng Post office at typewriter ang gamit sa pag encode ng info sa ID at hindi computer. Hindi pede ang dala mong picture dapat sa kanila ka magpapapicture ng 2 pcs. 2x2 picture sa halagang 80 pesos, at mabayad din pala ang pagpa-photo copy ng documents mo yung application mong pinilapan at ang iba pang attachement documents. At sa halagang 326 pesos total lahat ng dapat mong babayaran di pa kasama ang picture at after a few minutes may postal ID kana kaya lang pansin ko sa information desk lang ako nagbayad at hindi sa cashier at wala pang resibo na ibinigay sa akin. Anyway, sanay naman ako sa ganitong mga transaction kahit noon pa di ko alam kong nadadaya ako o hindi basta ako malinis konsensya ko nagbayad ako ng tama ayun sa hiningi nila at ibinigay ko yun ng walang labis at walang kulang. Ang sakin lang resibo sana di ako binigyan. Sabi nila wala na daw resibo. Anyway thankful pa rin ako kc nakakuha na rin ako ng postal ID's. Thanks sa Postal Office ng City of San Fernando Pampanga.

Posted: Lakbay Lansangan

Wednesday, February 6, 2013

Flight to Saudi

Kay bilis ng panahon natapos agad ang tatlong buwan kong pananatili sa Pilipinas na kasama ang aking pamilya, akala ko matagal na ang tatlong buwan pero di pala at habang tumatagal ay parang ayaw ko ng umalis dahil pakiramdam ko ang hirap iwan ng aking pamilya dahil mga musmos pa ang aking mga anak. Inaamin ko masayang mag-abroad lalo na kung ang magagandang pagkakataon ay umaayon sa iyong kagustuhan yun bang may nagtitiwala sayong ahensya sa Pilipinas at employer dito sa ibang bansa at nabibigyan ka ng sapat na compensation para matugunan ang pangangailangan ng iyong pamilya, sa madaling salita may magandang sahod at benepisyo mula sa employer na iyong pinaglilinkuran dito sa abroad. Ngunit sa kabila ng lahat ay napapalitan pa rin ng lungkot ang kasiyahang iyong nadarama sa tuwing papalapit na ang araw na ika'y aalis muli para mangibang bansa. Masakit bilang isang ama ng tahanan na iwan ang kanilang mga anak at ang pinakamamahal na asawa upang lumayo ng isa o higit pang mga taon kapalit ng magandang hanapbuhay sa ibang bansa. Para sakin walang katumbas na salapi ang lungkot na nararamdaman ko sa tuwing aalis ako ng Pilipinas na sa bawat alis ko'y luha ang pabaon sa akin ng aking asawa at hindi ngiti sa kanyang mga labi. At ramdam ko ang lungkot at pangungulila ng aking asawa sa tuwing akoy aalis upang mangibang bansa at masakit din sa loob ko na iwan sila pero ganon yata talaga ang kapalaran ng isang OFW sabi nga nila "no pain, no gain" daw at ito lagi ang tumatatak sa isip ko na kung walang tyaga, hirap, at sakit ng katawan, sakit ng kalooban, stress ay walang asenso sa buhay kaya heto ako ngayon malungkot man ay pilit kong kakayanin at di lang ako nagiisa marami kami di lang mga Pilipino gayun din sa ibang lahi na tulad din nating mga Pinoy na iniiwan ang kanilang mga pamilya kapalit ng magandang pangarap para sa kanilang pamilya. Sa ngayon nandito na ako sa Saudi Arabia ayaw ko man noong una ay dito parin ako pinadpad ng aking kapalaran para makapag trabahong muli, sabi nga nila masamang tumanggi sa grasya at minsan lang daw dumating ang magagandang pagkakataon o swerte lalo na pagdating sa trabaho at pananalapi kaya sa oras na may magandang chance ay di ko na pinakakawalan. At heto akong muli pagkatapos ko sa malayong lupain ng Hilagang Africa ay dito naman ako sa  Saudi Arabia napadpad. Sabi ng mga ex-saudi na ating mga kababayan at sa PDOS ng POEA mahigpit ang batas dito dahil meron ditong death Penalty at sa oras na lumabag ka sa mga pinagbabawal ng batas tulad ng illegal drugs, pagpatay, pangagahasa o pakikiapid sa di mo asawa, at kabilang na rin dyan ang pagnanakaw ay walang patawad sa batas sa oras na mapatunayang ikaw ay guilty at ilan lang ito sa mga criminal offense na matindi ang parusa. Pero kung magiging mabuti kang tao kahit ibang lahi ka, basta sumunod ka lang sa batas ay wala kang dapat ikatakot. Sa ngayon I'm enjoying my stay here in Saudi! Work bahay lang ako and I'm trying to adjust again dahil iba na naman ang klema dito kompara sa Pilipinas, adjust din sa kultura at paniniwala ng bawat lahi. At yung respeto sa isat-isa Pilipino man o hindi di dapat mawawala. Kaya para sa mga kababayan kong nagbabalak papuntang Saudi...Sundin nyo lang paalala sa Pre-Departure Orientation Seminar o(PDOS). Malaking tulong mula sa POEA para sa isang OFW ang information mula sa PDOS para sa bansa na iyong pupuntahan.MABUHAY MGA OFW..!

Posted: Lakbay Lansangan

Saturday, January 19, 2013

Kawirduhan ko sa murang edad

Natutuwa ako sa tuwing may darating na typhoon, dahil magkikita-kita na naman kami sa evacuation center ng aking mga kalaro at don kami maglalaro ng habulan, tawanan at kung ano-ano pang kalokohan. First time kong maligo sa beach at nagdala ako ng tabo at sabon at tandang-tanda ko pa ang dala kong sabon "super wheel" sabon na baretang panlaba noong dekada 80 hangang early 90's. Tuwing breaktime kinakain ko ang aking baon sa taas ng puno ng sinegwelas malapit sa aming school ewan ko ba kung bakit kelangan ko pang umakyat ng puno para kumain ng aking baon! wirdu talaga. Minsan nagtanim ako ng Cortal Medicine sa pagaakala kong tutubo ito na parang buto ng halaman at tatlong araw ko pa itong diniligan. Mahilig akong kumain ng Zeb-Zeb at Pompoms na tsitserya at pinapalobo ko ang plastic nito para iputok sa aking ulo. Mahilig akong gumawa ng sarangola pero di ko pinapalipad gusto ko lang itong nakikita na nakasabit sa likod ng aming bahay. Sinunog ko minsan ang dingding ng bahay ng lola ko dahil gusto kong malaman kong ito'y magliliyab o hindi. Tuwing nakikinig kami ng radyo pilit kong tinatangal ang takip sa likod upang hanapin ang taong nagsasalita. Mahilig akong manghuli ng ibon sa paltik at sa bitag at sa tuwing mahuhuli ko ito ginugupitan ko ng bahagya ang pakpak para mababa ang kanilang lipad sabay pakakawalan ko at aking hahabulin. Namimitas ako ng mga bulaklak na madadaanan ko pauwi galing sa school at itoy sisip-sipin ko sa pagaakalang itoy may katas na matamis. Tumalon ako sa isang malalim na ilog sa pagaakalang kaya ko ring lumangoy at sa kamalasan naranasan kong malunod buti nalang nasagip ako ng aking mga kababata. Naglalaro ako ng trompo pero mas gusto ko siyang ibato sa tubig kaysa sa lupa dahil natututwa ako sa mala-ipo-ipo na tubig na create ng pagikot ng trompo. Sumasama ako sa nanay ko sa bayan para tumikim lang ng sorbetes at ice candy maliban don wala ng iba pa. Naranasan kong magpabunot ng ngipin sa edad na limang taon pero masakit pala at nagalit ako sa dentista sinigawan ko ito at binantaang susuntukin  at nagwala ako sa loob ng clinic kaya tuloy dalawang nurse at nanay ko kinapitan ako ng mahigpit kaya lang sa sobrang pagpupumiglas ko di rin natuloy ang pagbunot sa ngipin ko. Nilalagay ko ang aking Teks Card na laruan sa ilalim ng aking unan sa pagtulog sa pagaakalang madadagdagan sa paggising sa umaga. Nagsasabit ako ng medyas sa aming bintana kahit tapos na ang pasko sa pagaakalang dadaan ulit si Santa Claus para maglagay ng regalo sa aking pagtulog sa gabi. Takot akong magpapicture dahil sa pagaakalang may makikita akong multo sa tabi ng aking larawan sa pag develop ng negative nito. Natatakot ako sa mga matatanda na may dalang sako na dumadaan sa may bahay namin sa araw-araw dahil sa pagakakala kong isisilid ako sa sako at ibebenta sa Maynila at ilalagay sa mga ginagawang tulay. Ilan lang ito sa aking mga naaalalang ka wirduhan noong musmos pa lang ako.

Posted: Lakbay Lansangan

Saturday, January 12, 2013

NBI Clearance

Kakapagod na maghapon! Naubos ang isang araw ko sa pagkuha lang ng NBI clearance. Tulad pa rin ng dati matagal pa rin at mahaba ang pila sa pagkuha ng NBI clearance sa Manila office. Kakapagod pumila ng nakatayo at kelangan mong tiisin ang gutom para lang di mawala sa pila. Pero sa loob kung gusto mo namang kumain ay di pinagbabawal at mas maganda kong may baon kang sariling pagkain, pero pede ka rin bumili sa mga vendor sa loob ng NBI compound na nagbebenta ng mga biscuit, noodles, at beverages like softdrinks kaya lang masyado naman silang mapagsamantala dahil triple ang taas ng halaga ng kanilang paninda kompara sa labas. Palibhasa alam nila na di mo gugustuhing umalis sa pila para lumabas o bumili ng ibang pagkain kaya ganito kamahal ang kanilang patong na presyo. Pero mas nakakapagod at nakakainip ay ang haba ng pila dahil parang walang pinagbago tulad pa rin ng dati at maiinis kapa dahil pagdating mo sa encoding ng iyong application ay di mo pa rin makukuha agad ang iyong NBI Clearance dahil may kapangalan ka at kelangan pa daw i-verify.! Di ako nagtataka dahil marami talaga  sa atin ang may kapangalan pero siguro naman nagiisa lang ang ating finger print identity at kung sakaling may kapangalan tayo sana magbase sila sa finger print natin dahil ito ang ating identity na walang kaparehas at isang identity ng pagkakakilanlan ng isang tao. Marami na akong record sa NBI Clearance at maraming beses na akong kumukuha simula ng ako'y maglocal employment pa lamang at sa tuwing kumukuha ako lagi nalang akong naghihintay ng 1 week dahil may kapangalan daw ako..!Nakakainis naman kase di ko ma-avail ang sinasabi nila na sandali lang daw ang NBI makukuha mo na agad in a day, kaya nga sa Manila Office ako kumuha dahil para mapabilis ay yun pala'y tatagal din ng halos isang lingo. Wish ko lang sana mas pagandahin pa nila ang kanilang serbisyo para sa mga aplikante na tulad ko na taon-taon ay nangangailangan ng kanilang serbisyo for employment.

Posted: Lakbay Lansangan

Sunday, January 6, 2013

DEATH PENALTY

Kapapasok lang ng bagong taon at ang karamihan sa atin ay may kanya-kanya ng new year resolution. Pero ang ilan sa atin sa halip na magbagong buhay at iwaksi na ang maling gawain ay lalo pa yatang napasama at tuluyang minalas sa pagpasok ng taon. Sa pagpasok ng 2013 nakakatakot  ang bungad ng taon dahil maliban sa kaso ng batang si Nicole na nabaril noong salubong sa new year ay isa na namang krimen ang nangyari sa Cavite dahil sa pag-aamok ng isang risedente. At namaril pa ito ng mga kapitbahay at  gayun din sa kanyang mga nakasalubong at humigit kumulang sampo ang kaniyang napatay kabilang ang isang buntis at ang iba ay sugatan pa. At ano daw ang dahilan ng pag-aamok ng lalaking ito? At ang dahilan ay ang pesting alak daw at droga.! At dahil sa alak at droga na yan! Pumatay siya ng inosenteng buhay na walang kalaban-laban. Ano kaya ang mas maganda para sa ating bansa para mabawasan ang mga krimen na tulad ng ganito. Araw-araw nalang sa balita sa ating national TV ay di nawawala ang patayan, at kung di naman patayan ay nakawan at huling-huli pa sa CCTV camera. Sa luwag ng ating batas at kong may pera ka ay posible ka pang maabswelto sa kaso mong kinasasangkutan kong meron man. Mahal ko ang Pilipinas at taas noo ko itong ipinagmamalaki sa ibang bansa at sa ibang lahing nakaksalamuha ko. At isa akong masunuring tao sa ating batas. At wala akong dapat ikatakot kong ibabalik ng ating gobyerno ang parusang kamatayan o bitay sa mga taong sobrang sakit ang dulot sa ating lipunang ginagalawan. Siguro mababawasan ang mga krimen kung muling maibabalik ito at mapuprotektahan na rin ang mga mabubuting mamamayan na tahimik namumuhay at sumusunod ng maayos sa ating mga batas.

Posted: Lakbay Lansangan